Manggagantso arestado

NADAKIP ng pulisya ang lalaking ginagamit ang kasanayan sa pagsasalita ng lengguwaheng Hapon sa panlilinlang ng mga babaing entertainer, sa isinagawang entrapment operation, kahapon ng umaga, sa Pasay City.

Inakala ng suspek na si Cyrus Natakamura, residente ng FB Harrison st., na kumagat na sa pain ang pinakahuli nitong biktima na si Angela Flores, nasa hustong gulang, matapos siyang i-text at hinimok na magkita sila sa harap ng Heritage Hotel, sa kanto ng EDSA at Roxas Blvd., dakong alas-9:00 ng umaga.

Abot-tainga ang ngiti ni Natakamura nang mamataan ang parating na si Flores subalit nahalinhan ng sindak nang bigla siyang dakmain nina PO3 Simon Respicio, PO3 Roy Ramos at PO2 Dennis Desalisa, na kasama ang babaing kanyang bibiktimahin.

Nang dalhin ng mga pulis si Natakamura, sinalubong at kinuyog siya ng iba pang mga babaing entertainer na kabilang sa mga natangayan niya ng alahas, cell phone at iba pang personal na gamit matapos pangakuan na ipakikilala sila sa mayamang Hapones. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply