Manggagawa na naglalakad kinadyot

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang kalagayan ng isang manggagawa matapos saksakin ng isang hindi nakikilalang lalaking kasalubungan nito, sa Navotas City.

Ang biktima na nakaratay sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ay nakilalang si Romeo Degia, 20, binata, residente ng 35, Quintos St., Brgy San Jose ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang hindi pa  pinangalanang suspek na sinasabing kalugar lamang ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni P01 Allan Bangayan, ganap na alas-12:45 kahapon ng hatinggabi, nang maganap ang pananaksak sa biktima.

Napag-alaman na naglalakad pauwi ng bahay mula sa isang inuman ang biktma nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabi na pinag-uundayan ito ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang salarin habang ang biktima naman ay mabilis na dinala sa pagamutan. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply