Manghuhulang pugita, patay na

Napaiyak ang mga staff ng Oberhausen Sea Life Centre sa pagpanaw ng tinaguriang “the oracle octopus” na si Paul.

Maalala na ang nabanggit na pugita ay umani ng worldwide attention dahil sa mga tamang hula nito kaugnay sa resulta ng World Cup sa South Africa.

Bagama’t hindi binanggit ang sanhi ng pagkamatay ng pamosong pugita, ayon sa ulat ng Sea Life manager Stefan Porwoll, na labis-labis ang kanilang kalungkutan sa nangyari.

“Management and staff at the Oberhausen Sea Life Centre were devastated to discover that oracle octopus Paul, who achieved global renown during the recent World Cup, had passed away overnight,” ayon sa kalatas.

Sa nakaraang World Cup, hindi pumaltos ang mga hula ni Paul kung anong bansa ang mananalo sa international football competition, kasama na ang panalo ng Spain kontra Netherlands sa finals.

Balak pa umano ngayon ng mga tauhan ng Sea Life na magtayo ng “shrine” para sa pugita.

“We may decide to give Paul his own small burial plot within our grounds and erect a modest permanent shrine,” ani pa ni Porwoll.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply