Marami pang Celdran ang tutuligsa sa simbahan

HINDI na maiiwasan pa ang banggaan ng simbahan at ng administrasyong Aquino ukol sa kontrobersyal na RHB makaraang magbanta ng civil disobedience ang ilang samahan ng mga lay ministers maging ng mga obispong kasapi ng CBCP laban sa kasalukuyang pamahalaan.

Nadismaya ang simbahang katoliko sa lantarang pagsuporta ng Pangulong Noynoy Aquino sa family planning sa pamamagitan ng paggamit ng contraceptives na labis na tinututulan ng kaparian.

Nagkaroon pa nga ng matinding tensyon ang nasabing usapin nang magbanta si CBCP Pres. Bishop Nereo Odchimar na posibleng patawan si PNoy ng parusang “excommunication” na minsan nang iginawad sa dalawang indibiduwal.

Iginawad ng Roman Catholic  Church  ang excommunication laban sa mga diktador na sina Fidel Castro ng Cuba at Juan Peron ng Argentina. Pero kung mahigpit at lantaran ang pagkontra ng simbahan sa posisyon ng Pangulo sa nasabing isyu, solid naman ang suporta ni Juan dela Cruz sa layong bigyan laya ang mamamayang Filipino na magdesisyon sa paraang gusto ng mga ito patungkol sa RHB  o family planning.

Ngayon pa lang, kitang-kita na ang magkasalungat na landas ng Katoliko Romano at ng mamamayang Filipino sa nasabing isyu. Humantong pa nga sa hindi inaasahang insidente ang paglutang ng isang Carlos Celdran na nagsisigaw ukol kay “Damaso” sa kalagitnaan ng misa nina Archbishop Gaudencio Rosales at Papal Nuncio Edward Adams sa Manila Cathedral.

Isang pangyayari pa lamang ito  na posibleng maulit uli pag patuloy na makikialam sa gawain ng estado ang simbahang Katoliko. Ang pakikialam ng   simbahan sa estado ay  isang malaking pagsalungat sa seperasyon ng simbahan at ng  estado na nasa Saligang Batas.

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 091892-74764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply