Margarito: ‘Di tatalab sa akin ang suntok ni Pacman

NAGBABALA si three-time welterweight champion Antonio Margarito (38-6, 27 KOs) ng Tijuana, Mexico na nakahanda na siyang i-upset si pound-for-pound king Manny Pacquiao sa kanilang pagtutuos sa Nov. 14 sa Texas.

Ayon kay Margarito, dapat ay ibahin siya ng mga tao dahil hindi siya katulad ni Oscar De La Hoya na muntikan pang humiga sa lona nang pasukuin ni Pacman.

Subalit hindi naman umano naniniwala si Margarito sa balitang nasaktan ang paa ni Pacman habang nagsasanay ito sa Baguio City.

Sinabi niya na mas pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ang pagsasanay para matalo niya ang Pambansang Kamao.

“I don’t listen to those type of things. All I can tell him is to train hard because he is going to be in a war,” pahayag ni Margarito. “I have heard that his foot hurts or that he hasn’t been training that well but I don’t pay attention to that. I am expecting the best Pacquiao that night.”

Samantala, naiinsulto naman umano ang mga Mehikano sa balitang tutulong si Top Rank stable mate Julio Cesar Chavez Jr. kay Pacquiao sa kanyang sparring sessions.

“I heard that he is already over there,” ayon kay Margarito kasabay ang pagngiti. “It is no secret that he was trained by Roach in his last fight. I can’t critize him, work is work. I suspect that they want to use him because of his size.”

Naniniwala rin si Margarito na dahil sa laki at tangkad niya ay hindi siya kayang saktan ni Pacquiao ngunit pinaghahandaan niya naman umano ang anumang ilalatag na armas ni Pacman sa oras ng kanilang pagtutuos sa ibabaw ng ring.

“I don’t want to get over confident. That is a question I ask myself too,” ani Margarito hinggil sa lakas ni Pacquiao. “I have been sparring with  junior middleweights and middleweights and they can’t hurt me so I don’t think he can either but I don’t want to be too confident regarding his power, I have to be ready.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply