Margarito humanda ka na: Pacman seryoso na ang ensayo

Matapos ang ilang beses na pagsasabing wala sa tamang timing ang training ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao, sa unang araw ni Pacquiao sa Wild Card Gym para sa dibdibang training sa laban kay Antonio Margarito sa November 14 na gagawin sa Cowboy’s Stadium sa Texas, napangiti si Top Rank President Bob Arum sa kinalabasan ng ensayo.

Kabuuang 29 rounds ng usual routine ang tinapos ni Pacquiao kasama si WBA junior welterweight champion Amir Khan.

Kinabibilangan ito ng ilang rounds ng shadow boxing, speed bag, punching ball, at skipping rope.

Bagama’t may mga sagabal pa rin sa training ni Pacquiao sa Los Angeles, ang mga ito ayon kay Arum ay mga non-boxing activities.

Binalaan ng team Pacman si Margarito na humanda na siya dahil seryoso na sa ensayo ang pound for pound king at siguradong dudurugin siya nito sa paghaharap nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply