Marian Rivera, si Venus Raj naman ang pinagmamalditahan

MULI na naman daw umatake ang pagiging maldita nitong si Marian Rivera at may bago na naman daw biktima.

Kung hindi nga umubra ang pagiging maldita ni Marian dito sa baguhang si Bela Padilla dahil na rin sa mga partido nito, aba’y may bago na naman daw itong tinaray-tarayan  at nag-dayalog pa nga raw ito na ikinairita ng aming tsismosang kapitbahay at mismong mga dyulalay ng tinarayan ni Marian ay inis at imbiyerna sa kanya.

Chaka ang pinakawalang salita ni Marian dito sa 4th runnerup sa nakaraang Miss Universe 2010 na si Venus Raj.

Kita naman ang pagiging propesyonal nitong si Venus at hindi na pinatulan pa ang bruhang si Marian na nakasama niya sa isang show.

Insekyur lang marahil si Marian dito kay Venus kaya nag-litanya ito ng chaka o pangit si Venus. Ayon naman sa aming tsismosang kapitbahay, baka nga raw kamatayan na ni Marian ang pagiging maldita nito at mismong si Dingdong na bf nito ay hindi na masawata.

Ang lakas ng loob nitong si Marian mamintas kay Venus eh, baka kung siya ang sumali sa nasabing prestigious beauty contest ay baka nga raw nangamote ito at hindi man lang makapasok sa top 15 dahil sa pagiging bobita aleli nito.

Pasalamat nga raw si Marian at hindi siya pinatulan ni Venus ng Inglesan dahil baka nga raw hindi kayanin ng powers ni Marian. (Malamang mag-nose bleed siya! Hahahaha!—Ed)

Naman!

BINUKING NI BELO SI RUFFA

Kitang-kita naman daw ni Vicky Belo, kahit naniningkit ang mata nito, ang pagtawag sa cellphone ni Ruffa Gutierrez ni John Lloyd Cruz.

Naku, bago na namang kontrobersya ito. Alam ba ni Shaina Magdayao ito, John Lloyd, na nagko-kol ka sa anak ni Bisaya?

Pero sa kabilang banda ay kinampihan naman ni Belo si Ruffa na hindi naman daw nito sinagot ang nasabing tawag ni John Lloyd.

Hindi nga raw napansin ni Ruffa ang tawag na ‘yun ni John Lloyd kaya naman may i pakialam na itong si Belo at nakita nga niya sa cp na si John Lloyd ang tumatawag.

Hindi naman daw porket ibinuking ni Belo si Ruffa ay sira na ang kanilang friendship, ayon pa sa aming tsismosang kapitbahay. Buo pa rin daw ang pagkakaibigan nila.  Alam ni Belo na naririnig ni Ruffa ang nasabing tawag kaso nga, hindi niya ito pinapansin.

Ganun, tumatawag si John Lloyd kay Ruffa?

DOUBLE BB TALENTS DISCOVERY CENTER NI BABY BUQUERON, STAR BUILDERS!

Maganda naman ang adhikain ni Baby Buqueron sa kanyang Double BB Talents Discovery Center na kung saan ay naghahanap at nagtutuklas ng mga bagong hitik sa talento.

Pinatunayan ng lahat ng talents last Saturday (October 2, 2010) ng bonggang-bongga show ang Double BB Talents Discovery  ni Ate Baby.

Maraming tao ang nakasaksi sa paghahanda ng Double BB Talents Discovery sa kanilang kamangha-manghang mga production number na may titulong Road To FAME… featuring  Tuklas Junior, Nicka Gallego, Joseph Narvasa with a very special guest na si Susan Fuentes, the queen of Visayan Songs hosted by Ricky Ursua sa masusing direksyon ni Andy Beltran.

Sulit naman sa pagwa wacth ang mga tao sa Moonflower sa Timog corner Quezon Ave. ‘Yun na! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply