Mariel Rodriguez, dumarami ang kaaway

MARAMING reaksyon sa ginawang pagpa-interview ni Mariel Rodriguez sa The Buzz.

Lalo raw dumami ang mga kaaway niya.  Sa ngayon  kasi, kaaway niya sina Luis  Manzano, Anne Curtis, Vice Ganda, KC Concepcion at ang kanyang matalik na kaibigan na si Toni Gonzaga.

Nagsalita naman ang mga  naturang stars tungkol sa mga sinabi ni Mariel.

Sabi ni Luis, nagsimula ang isyu sa kanila ni Mariel dahil sa umano’y panlalaglag daw ng TV host-actress sa kaibigan at sa minsan naging co-host niya sa Wowowee na si Luis.

Nakarating diumano kay Robin ang insidente kung saan muntik nang halikan ni Luis si Mariel sa Wowowee. Dahil dito, tumawag daw si Robin para kumprontahin si Luis. Balitang agad na itinanggi raw ito ni Luis.

Subalit ayon sa intriga, nalaman diumano ni Luis na mismong si Mariel ang nagsumbong kay Robin. Bagay na ikinasama raw ng loob ni Luis.

Hirit ni Mariel: “What?! I don’t even know that. I have no idea.”

Pag-amin naman ni Luis niya, “Kung sabihin mong may issue ba kami ni Mariel, wala naman sigurong isyu sa aming dalawa. Siguro kaya kong sabihin to be perfectly honest, siguro ako may konting tampo sa kanya.”

Pagkaklaro pa ni Luis, ang umikot na balita tungkol sa pagkumpronta umano sa kanya ni Robin ay hindi raw totoo.

“Eto, kaya kong sabihin para maklaro rin ang pangalan niya. Never po akong tinawagan ni Binoe. May lumabas kasi na isyu na tumawag sa akin si Binoe na medyo confrontational. Gusto kong i-clarify yun once and for all, never kaming nag-usap ni Binoe.”

Pero ang tunay na dahilan ng tampo ni Luis kay Mariel ayaw na raw niyang idetalye pa. Pero may nabago raw sa samahan nila.

“Sabihin nating ganito, siguro may pinagbago kung in terms of kung paano kami ni Mariel. Pero siguro hindi namin masisi dahil sa mga pangyayari sa mga buhay-buhay namin,” sabi niya.

Sumunod namang bumuwelta ay sina Anne at Vice. Base sa mga balita, si Anne daw ang naglantad ng diumano’y hindi magagandang sinasabi ni Mariel patungkol kay Toni Gonzaga.

Hirit ni Mariel: “You know I was just texting with Anne the other day, never kami ni Anne nagkaroon ng isyu. Let’s not drag Anne into this. How come everyone [is being involved]? That’s my question, why everyone? I don’t understand.”

Buwelta ni Anne: Nang subukang kunin ng The Buzz ang panig ni Anne tungkol sa isyu, nakakagulat at makahulugan ang naging reaksiyon ng aktres. Tinalikuran lang ni Anne ang staff na nagtatanong sa kanya.

Buwelta ni Vice: Sa isang banda naman, si Vice Ganda na naging tulay umano kaya nakakarating kay Toni ang masasakit na salita mula kay Mariel ay ito ang sinabi:

“Bilang kaibigan ni Toni at kaibigan din naman ni Mariel, alam ko kung ano ang nangyayari sa kanila. Yun lang. Pero yung sangkot na kaya sila nag-away nang dahil sa akin.

Nag-ugat naman ang intriga kina KC at Mariel dahil sinabi umano ni Mariel na bakit may sariling show agad si KC na Simply KC gayung mas nauna raw siya rito sa showbiz.

Hirit ni Mariel: “I have no issue with KC at all. I was so surprised. Natatandaan ko ako pa nga yung unang-unang nag-guest sa Simply KC. Natatandaan ko na tuwing maganda siya sa The Buzz, lagi ko pa siyang pinupuri. Bakit naman nilalagyan ng mga tao ng masasamang [isyu]. I don’t know what the issue still is. I really don’t know, but I have no issue at all with KC.”

Nagbigay rin ng mensahe si Mariel para kay KC regarding the issue.

“Thank you kasi never siyang nagpakita sa akin ng kahit na anong masama. On my part, I don’t think rin na meron akong nagawa sa kanya o napakita na masama. I even remember saying na ‘ang galing niya.’ Siya ang unang nakapansin nito, ” ani Mariel bilang pagtukoy na si KC ang unang nakapansin sa engagement ring nang mag-guest siya sa The Buzz.

“I don’t know what the issue is. Thank you kasi wala rin siyang sinabing masama, I respect her.” Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply