Marijuana ipinagbabawal pa rin sa bansa –PDEA

MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na itinuturing pa rin ang “Cannabis Sativa” kilala sa tawag na marijuana at Indian Hemp kabilang sa dangerous drug at iligal sa ilalim ng Republic Act 9165, The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nilinaw ni PDEA Director General-Senior Undersecretary Dionisio Santiago ang isyu matapos na may isang artikulong lumabas sa isang broadsheet at nagpapahayag na “Marijuana brings some families closer,” isang artikulong halaw sa New York Times News Service, kung saan tanggap sa ibang estado sa Amerika ang pagtatanim ng marijuana dahil isa itong uri ng gamot.

Ani Santiago, sa ibang bansa ang marijuana ay gamot sa sakit na nausea at pagsusuka habang isinasailalim sa chemo at radiotherapy, glaucoma, multiple sclerosis, AIDS-related wasting at appetite loss,  spinal cord injury at iba pang chronic pain management gaya ng arthritis at Tourette’s syndrome ang isang pasyente, ngunit taliwas ito sa Pilipinas at bawal itanim sa bansa. Santiago Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply