Mary Grace Poe Llamanzares, gulat sa MTRCB appointment

OUT NA si Consoliza La Guardia sa MTRCB. Ang pumalit sa kanya ay si Mary Grace Poe.

Kilala siya bilang anak ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. at ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces. Ngayon, makikilala na siya bilang bahagi ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ano ang reaksyon niya nang nalaman niyang siya ang kapalit ni dating MTRCB Chairman Consoliza Laguardia?

“Sa totoo lang, talagang nagulat ako, e. Kasi may tumawag sa akin na news reporter at bini-verify. Imbes na masagot ko siya, siya pa ang tinanong ko, ‘Sigurado ka ba? Saan mo nabasa?’

“So siyempre, natuwa ako pero mas lalo din akong napaisip kung ano na ang mga dapat gawin. Dahil napakadaming mga transitional things na dapat na ma-accomplish bago ka maka-assume,” sabi ni Chairman Llamanzares sa panayam sa kanya sa isang talk show

May mga nag-lobby ba o nagpursige na siya ang maupo sa puwesto?

“Sabihin ko naman… ako’y nagpapasalamat kay Senator Jinggoy [Estrada], isa sa mga nag-endorso sa akin.
Kasama na doon ang Directors Guild [of the Philippines], at ang Actors Guild [of the Philippines].”

A mother of three, nag-aral ng Development Studies sa University of the Philippines-Manila si Mary Grace at nagtapos ng Political Science, major in Government and Political Theory sa Boston College sa Amerika.

Ano ang unang-unang gagawin niya as MTRCB chief?

“Nais po namin na maglagay diyan ng mas maraming miyembro na galing talaga sa industriya,” sagot niya.
“Not just to review, but also to try and figure out how we can help the economy become better.

“So, yung aking layunin ay mapalapit ang MTRCB sa industriya, at lalung-lalo na, ang makatulong sa ating ekonomiya ang industriya ng pelikulang Pilipino at ng telebisyon.”

May balak pa ba siyang pasukin ang pulitika?

“Sana, pero siguro sa 2013 elections. Sa ngayon, hindi ko pa naiisip.”

Ano ang reaksyon ng ina niyang si Ms. Susan Roces sa bago niyang responsibilidad sa industriya ng pelikula at telebisyon?

“Siyempre masaya siya. Pero meron siyang parang, ‘O, ihanda mo ang sarili mo at malaking hamon ‘yan.'”

Kung buhay ang ama niya, papayag kaya itong tanggapin ni Mary Grace ang MTRCB post?

“Siguro kung buhay siya baka hindi ako aabot sa ganito dito, e. Kasi kung buhay siya, mananatili ako sa Amerika siguro.

“Pero kung may ginagawa akong positive for this industry, I hope wherever he is, he’ll be happy,” sagot niya.

Playgirls pasasayahin ang Muntinlupa Bilibid Prison inmates

Hindi natanggihan ng Playgirls’ manager na si Michael ‘Quiukie’ Tupaz ang alok sa kanya ng mga nag-organisa ng isang special show para sa inmates ng New Bilibid Prisons in Muntinlupa.

Ipagdiriwang kasi worldwide ang National Correction Consciousness Day at bilang culminating activity ay gagawin ang special presentation para sa pasayahin ang mga nakakulong doon.

Unang nakita sa Facebook ng event coordinator ng pagdiriwang ang Playgirls photos at sabi niya sa amin, nabighani siya rito.  “Sana pumayag sila, tutal naman maganda ang cause na gagawin namin, “ sabi pa nito nang hingan kami ng tulong.

Hindi naman nga kami nagdalawang–salita kay Michael who also believes in a lot of relevant causes para sa kapwa-tao.

“Kung makatutulong ang Playgirs sa pagpasaya sa kanila, why not, sige po, game kami.”

So it’s a date, sa October 29, kakantahan, sasayawan at patatawain ng Playgirls ang mga inmates sa naturang kulungan.

Bukod sa Playgirls, magtatanghal din ng isang special sexy fashion show ang anim na naggagandahang bikini models. Ang show ay mula sa auspices ng mga sumusunod:

PSOI Gerry C. Salamat, Chief Overseer; Ramon Reyes, Penal Superintendent 11; PIS Celso Bravo, Asst. OIC; Rodrigo Mercado, Asst. Director for Prison Security; Teodora M. Diaz, Asst. Director for Administration & Rehabilitation; Bureau Of Prisons Director Ernesto L. Diokno and Gov. Jonathan Binayug. Assisting them are: Bonel Ilas, Jun Aradunas, Jr. Cesar Pambid

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply