Matinong SBSK election

MULA nang pinairal ang RA 7160 o Local Government Code ay apat na beses pa lang nagkaroon ng barangay elections. Sa kabila rin ng   tadhana ng batas na NON-PARTISAN ang halalang pamba-rangay, ito’y di nakaliligtas sa pa-kikisawsaw nina Gob/Cong/Meyor – lalo na sa mga lalawigan/lungsod na kontrolado nila.

Kaya kung magbilang tayo ng mga punong barangay sa ngayon, isa lang sa bawat sampu ang matino. Ang nalalabing siyam ay gangster, swindler, gambling lord, illegal fisher, bodyguard o di kaya’y no-read/no-write (kahit may literacy requirement sa barangay SBSK election) na tirador ng mga nabanggit na magnanakaw at bayolenteng mga pulitiko.

Dahil sa matagal na pagkakaluklok ni PGMA sa Malacañang, kaalyado niya ang halos lahat ng Gob/Cong/Meyor, at kani-kanilang mga punong barangay. Ito ang sanhi ng pagtutol muna ng maraming kapartido ni PNoy sa Kamara, noong kauupo pa lang niya bilang Pangulo, na ipagpatuloy ang napipintong SBSK halalan.

Aprehensibo sila dahil sa kakulangan ng paghahanda at materyales na pwede nang isabak sa nasabing halalan, ay malamang ang well-entrenched na mga galamay pa rin ni GMA ang mamayagpag pagkatapos ng bilangan.

Di naman natinag dito si Kal. Jesse Robredo ng DILG na mariing tumutol sa lahat ng resolusyon sa Kongreso na naglayong ipagpaliban ang halalan. Dapat aniya’y may FRESH MANDATE ang mga barangay opisyal na maninilbihan sa ilalim ng administrasyong PNoy.

Dagdag pa niya : “Kahit ang magsipanalo ay di kaalyado sa pulitika ni P-Noy, sila’y maninilbihan din ng matino kapag matitino rin ang liderato ng bansa. Leadership by CORRECT example lamang yan. At tiyak, tuloy-tuloy na tayo sa landas ng pagbabago.”

At yaman din lang na pagbabago ang ating pinag-uusapan, iniindorso ng Rapidfire sa Brgy. 376, Zone 80, District V, Manila, si Gng. Lina Viray-Cardama bilang barangay chairman at ang mga kagawad niyang sina Jimmy Adriano, Boy Alcarion, Hermie Ardan, Mar Cardama, Tessa Namoro at Chit Romualdo.

Laki ang inyong lingkod sa San Andres, Bukid, at marami tayong kaibigan sa Brgy. 376. At alam din natin ang deka-dekada nang problema riyan, na hanggang sa ngayon ay di mabigyan-bigyan ng lunas, tulad ng pagkalulong ng maraming kabataan sa bawal na gamot, hold-ups/snatchings (dahil ipit ang barangay na ito ng Osmena at Quirino Highways), youth rumble at masamang drainage system na laging sanhi ng paglaganap ng dengue.

Si Gng. Cardama ay naging sekretarya/accountant ng isang Makati-based law firm (na kinabilangan din ng inyong lingkod) na pinamunuan ng isang batikang 3-term Kongresista sa lalawigan ng Capiz. Kaya alam ni Lina ang lahat ng problema ng barangay.

Maganda ang plataporma ng “Team Banyuhay” ni Gng. Cardama, kaya kung talagang hangad ninyo, mga taga Brgy. 376, Zone 80, District V, Manila ang tunay na pagbabago, aba, kay Lina at mga kasamahan niya na kayo sa darating na Lunes! Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply