Mavs sumadsad sa Cavs

TUMIPA si Daniel Gibson ng 15 points habang si rookie Manny Harris ay nagdagdag ng 14 para itulak ang Cleveland Cavaliers sa 85-79 preseason victory laban sa Dallas Mavericks.

Si Ramon Sessions ay nakadale ng 12 points at five assists para sa  Cavaliers (3-1).

Si Mavs coach Rick Carlisle ay nakabalik na sa grupo tatlong araw mula nang himatayin ito sa praktis nila.

Siya ay nalagak sa ospital at hindi na nakasama sa grupo sa outdoor game laban sa  Phoenix sa California.

Ang 50-anyos na si Carlisle ay nagpahinga ngayong weekend at  nakabalik din naman agad sa laro kasama ang kanyang koponan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply