Mister kinatay ng 3 kapitbahay

MATAGAL na alitan ang dahilan ng maagang kamatayan ng isang lalaki makaraang abangan at pagtulungang saksakin ng tatlong kapitbahay nito, kamakalawa ng gabi, sa Caloocan City.

Si Ronald Lopez, 34, may-asawa, tubong Calauag, Quezon at naninirahan sa Miraminte Heights, Little Baguio, Brgy. 180, ng nabanggit na lungsod ay namatay sa mismong lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng apat na tama ng saksak sa katawan saka taga sa ulo at tuhod.

Naaresto naman ang dalawa sa tatlong suspek na nakilalang sina Rolando Olanggo, 37 anyos at Juvy Sacay, 23 anyos, mga kapitbahay ng nasawing biktima.

Base sa ulat ni PO3 Angeles M. Lleno, ang insidente ay naganap malapit sa isang tindahan.

Napag-alaman na ang biktima kasama ang isang Carlos Lopez ay naglalakad papauwi sa kanilang tahanan nang harangin ng mga suspek at kaagad na pinag-uundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dahilan ng kamatayan nito.

Hindi pa nasiyahan, isa pa sa mga suspek ay pinagtataga pa ang biktima sa katawan at dalawang tuhod saka mabilis na nagsitakas.

Sa follow-up operation ng pulisya ay kaagad namang naaresto sina Olanggo at Sacay habang ang isa pa nilang kasamahan ay nakatakas.

Napag-alaman mula sa ilang mga nakakakilala sa biktima at mga suspek na matinding alitan ang dahilan ng krimen. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply