May sakit na kanser nagbigti

HINDI na nakayanan ng isang may sakit ng prostate cancer ang kanyang kalagayan kaya’t naisipan niyang magpatiwakal gamit ang isang plastic straw na itinali sa leeg sa ikalawang palapag ng bahay sa Marikina City.

Ang nagpakamatay ay kinilala ni Senior Supt. Romeo Magsalos na si Jolito Villarin, may-asawa, ng 472 Villalon st., Brgy. Sto. Nino, sa nabanggit na lungsod.

Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang 7:45 ng umaga ng dalawang kapatid nito na sina Arnold at Alfredo. Nakatali umano ang leeg nito ng plastic straw na may habang siyam na metro at nakabitin sa wooden beam. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply