Mayabang si Deles – Chiz Escudero

KINASTIGO ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagiging arogante ni Presidential Adviser on Peace Process Teresita “Ging” Deles matapos makipagbanggaan sa ilang kongresista habang humihingi ng badyet sa Kongreso.

Ayon kay Escudero, walang puwang sa pamahalaan ang isang katulad ni Deles na may pagka-arogante dahil ang ugaling ito ay hindi makatutulong sa kanyang tungkuling himukin o kumbinsihin ang kalaban ng gobyerno na pumaloob sa batas.

“Hindi niya nga makasundo ang mga kakampi niya dati sa gobyerno, paano niya kaya mawi-win over ang mga hindi niya kakampi at rebelde at kalaban ng gobyerno?,” tanong ng senador. “It should serve as a wake-up call to her that it helps and pays a lot if you exercise humility.”

Kahit ayaw ni Escudero na sibakin kaagad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Deles, pinagsabihan niya ang kalihim na maghinay-hinay sa pakikipagtalakayan sa mga mambabatas.

Nauna nang napag-initan si Deles ng ilang kongresista sa ginanap na pagdinig hinggil sa badyet ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process kaya’t piso lamang ang ibinigay na pondo dito.    Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply