Mayol at Mepranum magbabalik

KASALUKUYANG nagsasanay si dating WBC light flyweight champ Rodel Mayol sa Baguio City kasama ni Manny Pacquiao sa Shape Up Gym.

Sasagupa siya sa Nov. 5  kay Thailander Pompetch Twins Gym na gaganapin sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tampok din sa card si dating WBC/IBF world light flyweight champ Brian Viloria na haharap naman kay Thailander Liempetch Sor Veerapol.

Samantala, magpapakitang gilas din si WBC International minimumweight titlist Denver Cuello laban kay Thai Kongkrai Kiatpracha.

Ayon kay Mayol, lalaban siya sa 112 lbs. bilang flyweight kahit na nahihirapan siyang habulin ito dahil dati siyang 108 lbs. fighter.

Si Mayol, tubong Mandaue City, Cebu, ay nawalan ng titulo kay Omar Nino Romero ng Mexico sa pamamagitan ng unanimous decision noong Hunyo.

Nagsasanay din sa Shape Up Gym si flyweight contender Richie “Magnum” Mepranum na kababayan ni Pacman at nawalan naman ng WBO world crown noong Hunyo sa pamamagitan ng 5th round TKO loss kay Julio Cesar Miranda ng Mexico.

Si Mepranum na mula Sarangani province ay kabilang sa undercard ng Pacquiao vs Antonio Margarito sa November 14 sa Texas at ang kanyang makakasagupa ay si Anthony Villareal  sa loob ng eight rounds.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply