Mayweather kulong ng 10 taon

IPINAGPALIBAN ng isang hukom sa Las Vegas, Nevada hanggang Jan. 24  ang paglilitis kay boxing trainer Roger Mayweather kaugnay ng felony charges matapos umanong manakit ng female boxer sa loob ng apartment na pag-aari nito.

Nabatid na ang mga kasong ito ay may katapat na parusang 10 taong pagkabilanggo.

Si Mayweather kasalukuyang nakalalaya makaraang maglagak ng $13,000 piyansa.

Sa ikalawang pagkakataon, ipinag-utos ni Clark County District Court Judge Valerie Adair ang pag-postpone sa trial.

Ang bista ng 49-year-old trainer ay una nang naantala na dapat sana ay noon pang Agosto dahil naman sa scheduling conflict.

Una nang naghain ng not guilty plea si Mayweather sa  battery charges na nag-ugat sa pananapak at pananakal umano niya noong August 2009 sa 26-anyos na boxer na si Melissa St. Vil. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply