Mekaniko tepok sa riding-in-tandem

PALAISIPAN pa rin sa mga awtoridad ang motibo ng pagpaslang sa isang chief mechanic na pinagbabaril hanggang mamatay ng kilabot na riding-in-tandem sa Lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Lorenzo Paguirigan, 48, may-asawa, chief mechanic sa Wilcor Auto Supply at residente sa no. 38 Mindanao Avenue, Brgy. Santo Niño sa lungsod.

Agad namang tumakas ang salarin matapos isagawa ang krimen  sa biktima, na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) ng QCPD, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima ganap na alas-nuwebe ng umaga.

Ayon sa saksi na si Ricardo Tagarian ,39, may-ari ng Santo Niño Hardware, galing sa kanyang tindahan ang biktima at katatapos lamang nilang mag-usap.

Ilang sandali matapos umalis ay namataan niya na nakataas ang kamay ng biktima habang nakatutok sa kanya ang isang baril, na agad pinaputok at tumama sa dibdib ng biktima.

Dahil sa nakita ng suspek na nasaksihan ni Tagarian ang  buong pangyayari siya naman ang binalingan ng suspek subalit agad itong sumakay sa kanyang kotse kaya hindi na siya nahabol.

Binuweltahan ng salarin ang nakahandusay na biktima at muling pinaputukan sa ulo saka tumakas mula sa pinangyarihan lugar sakay sa isang motorsiklo. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply