Melligen balik-Pinas

BALIK-PINAS na naman si Filipino boxer and Top Rank talent Mark Jason Melligen na kamakailan lamang ay gumawa ng pangalan sa Estados Unidos.

Sa October 30, 2010 ay magsisilbi siyang supporting main event sa laban niya kay Mexican knock-out expert Bladimir “The Blade” Hernandez sa isang 10-round welterweight bout.

Ang labanan na ito ay tatawagin na namang Philippines vs Mexico rivalry.

Si Melligen (W 19, KO 13, L 2 ) ay hawak ngayon ng boxing promotions outfit ni Bob Arum at ang mga huling walong laban niya ay ginanap sa Amerika.

Nangako naman ang tubong Bacolod na si Melligen na sisikapin niyang manalo laban kay Hernandez.

Napanood na rin umano niya ang mga laban nito ngunit gagawin niya ang lahat para sa mga kababayan niya.

Matatandaan na tinalo siya ni Raymond Gatica sa six round at gayundin kina schooling prospects Norberto Gonzales at Anges Adjaho sa unanimous decision na panalo.

Samantala, nangako ang Top Rank na kung mananalo si Melligen ay mabibigyan ito sa mga susunod ng mas malaking laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply