Melligen binati ni Mayweather

KAGYAT umanong binati ni undefeated world boxer Floyd Mayweather Jr. si Pinoy boxer Mark Jason Melligen nang idemolis nito si Mexican Bladimir Hernandez sa oras na 2:57 ng third round ng Pinoy Pride event sa Waterfont Hotel and Casino kasabay ng laban ni AJ Banal kamakalawa.

Ang 23-anyos na si Melligen na nakabase na ngayon sa Estados Unidos at nagsasanay sa Mayweather Gym at naging sparmate pa ni Floyd ay diniktahan ang laban. Ginamit niya ang matitinding jabs para masira ang diskarte ni Hernandez at depensa kasama na rin dito ang hindi matapatang combinations sa katawan at ulo.

Kasunod ng panalo sa first round pa lamang ni Melligen, sinubukan ni Hernandez na makipagpalitan ng suntok sa Bacolod City native ngunit ang Pinoy boxer ay umatake gamit ang upper hand attacks na tumatama naman.

Dito na nga sinimulan ni Melligen ang pagpokus sa pagpapatama sa katawan ng 25 taong gulang na si Mexican Hernandez sa third round.

Tumatama rin ng mga oras na iyon ang malalakas na sapak sa katawan hanggang sa mapatumba na si Hernandez dahil sa tindi ng mga ito.

Natapos sa oras na iyon ang sagupaan dahilan upang agad na batiin agad ni Mayweather si Melligen na naging sparmate pa nito noong isang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply