Metro Manila Ball teams umarya sa Unigames

BUMANDERA ang mga champion team ng Metro Manila sa pamamayagpag sa 2010 Philippine Sports Commission-University Games sa mga ginanap na laro sa Dumaguete City.

Pinangunahan ng UAAP 3-peat champion Ateneo de Manila Blue Eagles ang pananalasa sa University of Northern Philippines, 88-60 at Mindanao State University-Marawi, 92-42.

Sinundan ito ng 2010 UAAP runner-up na Far Eastern University Tamaraws sa Group B sa pagpapalugmok sa Lyceum Pirates, 91-71 at ang pagpapaiyak sa iskor na 120-29 sa Negros Oriental State University.

Kapwa nagbida ang Adamson Falcons na pinatumba ang Ateneo de Davao, 88-47,  at nagpadagundong ang Rizal Technological University Blue Thunders laban sa Asian College of Science and Technology, 95-84 sa sagupaan sa Group C.

Hindi nagpahuli ang National University Bulldogs nang ngatngatin ang isa pang entry ng Davao na Holy Cross-Davao, 86-40 samantalang ang University of San Carlos ay dinurog ang Holy Angel University sa Group B na may 16 puntos na kalamangan sa 64-48 na pagwawagi. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply