Mga batang Pinoy handa na sa 2010 World Robot Olympiad

MULI na namang  sumabak sa Philippine Robotics Olympiad ang  koponan ng daan-daang mag-aaral buhat sa iba’t-ibang paaralan sa buong bansa.  Nanalo ang Nemesio Yabut Elementary School  at Pitogo High School sa regular category, samantalang  nanguna naman ang Grace Christian College at Dr. Yanga’s School sa Elementary at High School open competition.

Naging instant hit sa mallers sa SM  Annex sa North Edsa ang competition sa gitna ng activity center sa cyberzone.  Dinayo ito ng mga  guro,  estudyante, at pamilya ng mga kabataang lumahok.  Muling napatunayan ang galing at henyo ng mga kabataang pinoy sa larangan ng robotic.  Pinapakilos ang mga ginawang maliliit na robot gamit ang lego robotics kit at isang computer program.

Tinatahak ng robots ang isang playing field na may mga ‘obstacles at tasks’ na kailangang gawin hanggang makarating sa fnish line.  May puntos ang bawat madaanang obstacle at magawang tasks. gayundin ang  areas na madadaanan ng robot ng hindi nawawala sa track.

Pagagalawin naman ang mga robots sa animo’y pinaghalong  entablado at exhibits para maisalarawan ang tema ng competition sa open category.

Dinisenyo ng mga pinaghalong engineers mula sa UP, Ateneo at Mapua ang playing fields sa regular category na sya ding  gagamitin para sa 2010 World Robot olympiad na gaganapin sa Pilipinas sa darating na nNobyembre sa SMX Mall of Asia.  Magkatuwang ang Department of Science and Technology (DOST) at Felta Multimedia sa idaraos na pandaigdigang kumpetisyon.

Tatlumpu’t isang mga bansa ang maglalaban sa regular at open categories.  Ang tema ng WRO ngayong taon ay “Robots Promote Tourism,”  Dadamitan at pakikilusin ang mga nakatutuwang robots  sa open category para ipakita kung paano sila makatutulong  na itaguyod ang turismo sa bansa.

Inaasahang maeenganyo ang maraming kabataan sa larangan ng robotics upang maitaguyod ang mga industriya sa pilipinas sa hinaharap.   Ruby Cristobal, Science Education Institute (SEI,  DOST)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply