Mga kandidato pinaglilinis ng kalat sa kalye

NANAWAGAN  ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kumandidato na magpasimuno sa  paglilinis sa mga nagkalat na campaign materials sa kani-kanilang komunidad sa pagtatapos ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon sa MMDA, ang mga nanalo at mga natalong kandidato ay dapat magtulungan para simulan ang clean-up drive at huwag nang hintayin ang mga awtoridad para itapon ang mga ito.

Kaugnay nito nanawagan din ang green advocates group na Ecological Waste Coalition (Ecowaste) para sa agarang pagtatanggal ng mga naglipanang leaflets, stickers, posters, at streamers.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply