Mga kontrobersiya ng HGC dapat na ibuyangyang!

Ang mga kontrobersiya sa Home Guaranty Corporation ay dapat lang na hubaran kaugnay ng pagsisiwalat ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ng mga alingasngas na bumabalot dito. Ang HGC ang kompanya ng gobyerno na nagbibigay ng garantiya sa mga pautang sa pabahay at isa sa “milking cows” ng mga alipores ni GMA.

Sa pagsisimula ng Kongreso, marami ang nagulat nang mabisto ang mga naglalakihang suweldo at benepisyo ang mga administrador at naitalagang opisyales sa mga GOCC katulad sa SBMA, MWSS,GSIS at marami pang iba.

Sa gagawing pagbusisi sa record ng HGC sa pamumuno ni Gonzalo Benjamin Bongolan, tiyak na hindi mabibigo ang mga mambabatas kung kontrobersiya rin lang ang gusto nilang mahalukay. Ang sampol na maibibigay natin ay ang pagkabaon sa utang ng HGC. Ayon sa COA, mahigitsa P224M ang “isinubi” ng grupo ni Bongolan para sa kanilang “separation package.” Uhmmm nga naman. Alam ba ninyo na itong si Bongolan at mga kasabwat, este, mga kapwa opisyal niya, ay matagal nang may binubunong mga kaso ng katiwalian?

Marami rin umanong pinasok na kwestyunableng transaksyon ang HGC sa ilalim ni Bongolan na dapat lang talagang maliwanagan dahil apektado rito ang ating pambansang badyet.

Ang gobyerno kasi ang “guarantor” sa mga transaksyon ng HGC kaya kung malugi o pumalpak ang mga transaksyong ito, tayong mga Pinoy ang magpapasan ng bigat ng pagbabayad. Diyos por Santo…sa natuklasan kasi ni Rep. Herrera noong 2002 pa lang, marami na ang “sablay” sa mga transaksyon ng HGC! Isa na rito ang bentahan ng lupain ng HGC sa Vitas, Tondo kung saan P300 M ang nasilip na lugi ng gobyerno.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply