Mga paa tinaga muna para di makatakbo: Kalabaw kinubabawan

AGUSAN DEL SUR-Tinutugis ng mga awtoridad ang lalaki na itinurong pumatay at gumahasa sa kalabaw sa Purok 6, Sitio Ba-tak, Brgy. San Toribio, Esperanza.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nakatakda na sanang kunin ng caretaker na nakilalang si Marcos Nisnisan, ang alagang kalabaw nang makita nito ang lalaking may bitbit na itak na mabilis na nagtatakbo.

Ayon pa kay Nisnisan, inabutan pa umano niya na nakapatong ang lalaki sa ibabaw ng kanyang kalabaw.

Nang lapitan ni Nisnisan ang alagang hayop ay natuklasan niya na puro sugat ang apat na paa nito dahil sa mga taga at halos hindi na ito humihinga.

Bukod sa mga sugat sa paa ay may sugat din ang ari ng kalabaw at may mga naiwan pang semilya ng suspek kung kaya’t pinaniniwalaang ginahasa ito.

“Pagtingin niya, may taong tumakbo mula sa kinalalagyan ng kalabaw kaya’t ito ang kanyang pinagdudahang humalay rito. Hiniwa nga nila ang ari ng hayop matapos katayin at nakita ang semilya ng lalaki,” ayon sa imbestigador.

Dahil sa sobrang panghi-hina ng kanyang kalabaw ay pinakatay na lamang nila ito.

Target ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na lalaki na pinangangamba-hang muling aatake sa mga alagang hayop sa nasabing lugar. Evelyn Garcia

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply