Mga Pinoy ligtas sa tsunami sa Indonesia, ayon sa DFA

MARIING ipinahayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas at walang Pilipinong namatay o nasaktan sa naganap na tsunami sa Sumatra Indonesia.

Ayon kay DFA Usec. Esteban Conejos, mayroong isang daang libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagta-trabaho sa nabanggit na bansa at karamihan ay malayo sa pinangyarihan ng tsunami.

Batay sa ulat, 113 katao ang namatay sa trahedya partikular sa bahagi ng Sumatra habang mahigit 500 ang nawawala kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na tumama sa bansa.

Ayon sa Disaster Management Agency, bagama’t naglunsad  ng rescue operation, hirap ang mga rescuers dahil walang derektang flight sa Mentawai island na sinalanta ng tsunami.

Mula sa Sumatra, 12 oras bago maabot ang Mentawai sa pamamagitan ng bangka at tanging mangingisda sa isla ang gumagawa ng rescue operation.

Higit 4,000 mga residente ang nawalan ng tahanan at walang matulugan habang hanggang ngayon ay hindi pa nakakarating ang relief supplies.

Inihayag ni Disaster Management Agency spokesman Agolo Suparto na 10 barangay sa Mentawai ang sinalanta ng tsunami kung saan umaabot 10 talampakan ang laki ng alon.

Patuloy ang mga aftershocks sa Sumatra kung saan ang pinakamalakas ay nasa magnitude 6.2 ayon sa US Geological Survey. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply