Mga sabit ng IIRC sagot ng Napolcom

NAKASALALAY na sa National Police Commision (Napolcom) ang mga pulis na isinabit ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) sa ulat hinggil sa hostage drama noong Agosto 23 sa Quirino Grandstand, Maynila na inilabas  ng Malakanyang.

Bubuo ng bagong komite ang Napolcom sa pamumuno ni vice chairman Eduardo Escueta at mga commissioner ng naturang ahensya upang pag-aralan ang kaso nina National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Leocadio Santiago Jr., dating Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rodolfo Magtibay, MPD Special Weapons and Tactics (SWAT) chief Chief Insp. Santiago Pascual, Supt. Orlando Yebra at iba pang mga kasamahan nito na nahaharap sa kasong negligence of duty.

Posibleng isuspinde muna ang mga nabanggit na opisyal sa loob ng 60 araw habang sinusuri ng Napolcom ang kanilang kaso.

Hugas-kamay naman si PNP chief Director General Raul Bacalzo, na nagsabing hindi niya iimpluwensyahan ang bubuuing komisyon ng Napolcom. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply