Mga tamad na hukom (2)

HINDI magandang tingnan na nalululong ang Korte Suprema sa “resbak philosoph” nito ukol sa kontrobersiya sa pladyarismo o plagiarism na ini-aatribute ng UP-Law Faculty kay Justice Mariano del Castillo.

Makaraang absuweltuhin ng Hukuman si Del Castillo, binu-weltahan ng mga Hukom ang 37 miyembro ng UP-Law Faculty at pinagpapaliwanag ang mga ito kung hindi sila dapat na maparusahan.

Dapat ituon ng Kataas-Taa-sang Hukuman ang enerhiya nito  sa maraming produktibong bagay kaugnay ng mandato nito sa saligang batas. Tulad ng pagdidi-siplina ng ilang mga Hukom diyan, na sa labis na katamaran ay di magampanan nang tapat at mahusay ang kanilang sinumpaang gawain.

Pinapatungkulan natin ng direktamente kayong mga Hukom na HINDI makapagdesisyon sa mga usaping dinidinig ninyo sa tamang panahong itinakda ng saligang batas at iba pang umiiral na batas. Ayon sa saligang batas, ang lahat ng LOWER COURTS (meaning, mas mababa sa Korte Suprema) ay binibigyan ng TATLONG BUWAN (3 months) lamang, “upon the filing of the last pleading, brief or memorandum required by the Rules of Court or by the Court itself,” upang maglabas ng DESISYON sa usaping dinidinig nya (Art. VIII, Sec. 15, pars. 1 and 2, Constitution).

Subalit mas mabilis ang period to decide sa mga usaping naisapailalim ng tinatawag na SUMMARY PROCEDURE, na kung saan, sa loob lamang ng thirty (30) days from receipt of the last affidavits or other position papers dapat magdesisyon si Your Honor (Summary Rules of Procedure, Sec. 10 on Rendition of Judgment).

Of course may mga exception dito, with Your Honor being required to comply with certain requirements (Sanchez v. Judge Vestil, A.M. No. RTJ-98-1419, Oct. 13, 1998), subalit sa pangkalahatan ay dini-discourage ito.

BAWAL KASI ANG TAMAD sa Hudikatorya!

Kaugnay nito ay nire-remind natin ang Kagalang-galang na Circuit Judge ng MCTC, 3RD Judicial Region.
Masinloc, Palauig, Zambales, Branch 2, na may nakabinbin sa iyong sala  na napakaselang usapin – which involves a policy program of the Aquino Administration concerning mineral resources – na matagal nang dapat dinesisyunan ninyo dahil sakop ito ng summary rules.

Ang tinutukoy po natin ay ang kasong pinamagatang  Consolidated Mines, Inc. vs. Companhia Minera Tubagon, Inc. (for Ejectment/Unlawful Detainer), Civil Case No. 154. May umuugong na balitang natatakot po kayong magdesisyon dahil wala kang itulak-kabigin sa mga pulitikong kumakabila sa mga magkatunggaling party litigants.

Pero dapat mo po sigurong pag-isipan nang malalim ang konsekwensiya ng inyong ‘di pag aksiyon, lalo na’t may mga naiuulat na hindi magandang kaganapan sa MINE SITE, dahil sa inyong patuloy na inaction. Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply