Mga volunteer nurse, pinagkakakitaan?

Umaangal ang mga vo-lunteer nurse ng San Pablo City General Hospital dahil sa pagod na raw sila sa kanilang pagdu-duty ay pinagbebenta pa raw sila ng kanilang chief nurse ng ID lace na gawa sa bead sa halagang tig-P80 isa.

Maliit na halaga lang daw ang ipinabebenta kung tutuusin pero kahit sing-kong duling ay walang natatanggap na allowance  ang mga pobreng volunteer nurse. Hindi na siguro maganda at makatarungan na pagnegosyohan pa sila mismo ng kanilang chief nurse.

Ang sabi nga ay sagad-sagaran na pagdu-duty sa hospital para lang magkaroon ng ‘experience’ sa kanilang trabaho e pinagkakakitaan pa sila ng ilang mga indibiduwal.

Ano kaya ang masasabi rito ni San Pablo Mayor Vic  Amante?

Baka naman nagkakamot lang ng ulo si meyor!

Alam ko, hindi pa nabibigyang solusyon ng Department of Health, PRC at Civil Service Commission  ang report na talamak ang nepotismo sa kanyang ospital, may chief nurse naman na ninenegosyo at sinasamantala ang kahinaan ng kanilang mga volunteer nurse.

PAGBABAGO  ANG  ISUSULONG SA BRGY.

Si Benito Gong Tan na personal na kakilala natin ang mamang yan. Siya ay kakandidatong barangay chairman sa Brgy. 248 Zone 22 sa Tondo, Manila.

Kung pag-uusapan din lang ang kalidad nitong si Benito Tan ay siyento por siyento na kayang-kaya nitong paunlarin ang  Barangay 248.

Pagbabago at pagpapaunlad ng Barangay 248 ang target niyang gawin kung siya ay mananalo.

Kaya kayo, mga kaba-rangay ni Benito Tan, kung gusto ninyo ang pagbabago, iboto nyo si Benito Gong  Tan.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply