Milagro ng mga pulitiko vs milagro ni Kristo

NANINIWALA pa ba kayong nagaganap ang milagro kahit sa mga araw na ito?

Kung hindi, dapat kayong maniwala.

Pero hindi na si Kristo ang gumagawa nito kundi ang mga pulitiko.

Tingnan natin ito, mga Bro.

Ibang-iba ang milagro sa pulitika kumpara sa milagro ni Kristo.

Sa milagro ni Kristo, nabubuhay ang nakararanas nito.

Sa pulitika, napapapatay.

Masakit nga lang ang nararanasan ni Kristo noon kahit igawan pa niya ng milagro ang mga tao.

Eksampol, sa napagaga-ling niya mula sa sakit, iisa lang sa 10 ang bumabalik sa kanya para magpasalamat.

Pero mas masakit ang milagro sa pulitika.

Sapagkat, walang sinoman sa mahigit 40 pinatay ngayong halalan ang makababalik pa sa barangay o sa listahan ng Commission on Elections.

Derpor, talo!

oOo

Yang pagpakyaw ng boto, Suki, ay talagang napakatalamak sa halalang pambarangay at pangkabataan kamakalawa.

Pero parang milagro rin ang nagaganap.

Tingnan ninyo, Suki.

Sa isang barangay sa Metro Manila na naglaban ang isang mahirap at isang mayamang abogado, bumuhos ang salapi mula sa huli para piliin siya ni Juan na maging kapitan.

Ang problema, sa badyet na P1,500, nasa P200-P300 lamang ang nakarating kay Juan.

Katakot-takot na tsismis ang umalingasaw at ewan lang natin kung ano ang ibubunga nito.

Sa isang barangay naman sa isang lalawigan na malapit sa Metro Manila, tumakbo sa pagkakapitan ang isang apo  ng nagpakilalang isang kroni ni Manong Ferdie.

Milagrong nakapagpaulan ito ng salapi sa mga botante kahit alam ni Juan na wala itong salapi.

Nasa P500 ang ibinigay sa mga botante, kakampi man o kalaban.

Pero ang tsismis, eh, nasa P1,500 din dapat.

Noong magmilagro si Kristo ng tinapay at isda, sa halip na maubos dahil iilang piraso lang ang mga iyon, lalong dumami ang mga ito at sumobra pa yata ng kung ilang basket.

Sa milagro ng mga pulitiko, baligtad ang nagaganap.

Ang biyaya ay tsinatsap-tsap hanggang sa gutom ang lalamnin ng sikmura ni Juan.

Bibii na nga ang mga pulitiko ng boto, nambabarat pa.

Ginagawa pa nilang mga ahente ang mga walang kaluluwa na koordineytor.

Yang batas na nagsasabing P3 lang ang badyet ng kandidato para mangampanya ay balewala kina atorni at apo ng kroni at katulad nilang tinumbasan ng salapi ang sagradong boto ni Juan.

Saan kayang putikan pupulutin ang mga barangay na ginagawan ng milagro ng mga mandarayang kandidato at switik nilang mga tauhan?

oOo

O Tserman Melo, ano ba ang mga ito, huh?

Oo nga pala, bakit nga pala wala man lang commissioner in charge sa naganap na halalan kaya nagkaloko-loko ang halalan sa mahigit 6,000 barangay, kabilang na ang 4,400 ng lugar ng mga multiple termer na kapitan?

Balewala  lang ba para sa Comelec ang halalang pangmasa, huh?

Tsermannilang malugi, wala kayang milagrong ginagawa ang mga ito sa pagtataas ng presyo ng petrolyo? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply