Mo Twister, umurong ang ‘balls’ kay Borgy Manotoc

ONE advantage you get kapag na-invite ka sa ‘tape as live’ ng Paparazzi tuwing Sabado ay puwede mong makahalubilo ang mga host ng show at tanungin tungkol sa isyung kinasasangkutan nila habang nagpapalit ng set para sa susunod na segment.

Tulad ni Mo Twister na talagang major major ang pagpiga sa kanya sa tsikang nagtalukbong siya, as in over ang pag-cover ng mukha nang makasalubong sa busy street ng Singapore ang magdyowang Georgina Wilson at Borgy Manotoc. Aniya, napansin siya at nakilala ni Borgy habang nagkakasalubong sila at katunayan, tinawag pa ng huli ang kanyang pangalan pero talagang todo ang iwas ng TV host.

Agad naman pinagsabihan ni Georgina ang dyowa na baka look-alike lang ng TV host ang nakasalubong dahil kung si Mo ‘yun ay hindi puwedeng hindi sila babatiin.  Magkakaibigan sila at lalo na, nasa ibang bansa sila, hindi puwede ang dedmahan.

Inamin ni Mo na talagang umiwas siya dahil ayaw niyang makaistorbo sa dalawa. Feeling dyahe siya dahil sobrang crush nito si Georgina tapos nakita niya sa ibang bansa na kasama nito ang syota nitong si Borgy. Natawa siya nang sabihing umurong ang kanyang ‘balls’ kay Borgy, “No, it’s not that.  Dyahe kasi, sobrang crush ko si Georgina tapos makikita ko siya na kasama ang kanyang boyfriend.  The best for me to do is umiwas na lang kaysa makadistorbo.”

MGA BABAENG PALOS SA SHOWBIZ

Napag-usapan din sa Hula-Hulala portion ang mga babaing palos na ang ibig sabihin ay mga babaing artista na magaling magpalusot.  Dalawang magkakapatid na sikat na mga artista ang kasama dito, kasama din ang isang sweet and sexy actress na hindi kailanman inamin ang karelasyong aktor noon at pati ang kanyang present non-showbiz bf ngayon ay ayaw din aminin.  Constant date lang ang palagi nitong sinasabi tungkol nababalitang bf niya ngayon na kapatid ng isang lady ‘survivor.’

Ayon kay Mo, nali-link ang nasabing survivor sa kapatid ni Ruffa Gutierrez.  So, it must be Solenn Heusaff, bro!

Kasama rin sa hulala portion ang ganda pero sobra ang kamalditahan aktres dahil marami na itong nakakaaway at ang pinakahuli ay isang baguhang kasama nito sa isang teleserye.

Bago pumasok si Ruffa sa susunod na eksena, bigla siyang  tinanong ni Mo kung bakit siya hindi napasama sa mga palos na babae.  Agad naman ang reaksyon ni Ruffa na hindi siya palos o mahilig mag-deny dahil nagsasabi siya ng totoo.  Hmmmp, bumalik bigla ang naging statement nito na never niyang pinag-usapan ang kanyang private life especially ang kanyang buhay- pag-ibig pero ano ang naging ending, nabuking din ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz nang pumasok sa eksena si Shaina Magdayao.

Di ba, sobra ang pagka-palos ni Rufingfing sa relasyon nila ng aktor noon? Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply