Montiel isusunod ni Donaire

NANGAKO si world superfly champ Nonito Donaire Jr. na hindi siya uurong sa anumang ilalatag na superfight kay bantamweight king Fernando Montiel.

Dahil sa December 4 ay iba ang makakabangasan ni Donaire at ito’y si Volodymyr Sydorenko, nagtataka ang maraming boxing fans kung ano na ba ang nangyayari sa pinaplantsang laban nilang dalawa ni Montiel.

Matatandaan na unang inihayag ni Top Rank chief Bob Arum sa Puerto Rico na inaayos niya ang laban ni Donaire kay Montiel sa susunod na buwan ngunit hindi ito natuloy.

Subalit ginulantang naman ni Donaire ang mundo ng boksing nang aminin na mayroon na pala siyang nilagdaang 2-fight contract kay Arum.

Sa nasabing kontrata, nakagarantiya ang laban niya kay Montiel sa February 19 sa susunod na taon.

Gayunman, kinailangang manalo muna siya kay Sydorenko.

Inamin ni Donaire na mas excited siyang labanan si Montiel sa Pilipinas na noon pa sanang 2008 nangyari.

Malabo na ring mangyari ito sa bansa dahil ang kontrata ni Donaire ay konektado sa HBO na tiyak na sa Amerika ikakasa ang laban.

“Atat na akong makalaban sa susunod na taon kapag pinalad ako kay Sydorenko, ang malaking laban ko ay kay Montiel,” pahayag ni Donaire.

Samantala, sina Juan Manuel Marquez at Michael Katsidis ay gigil na rin sa isa’t isa sa kanilang sagupaan sa November 27 para sa unification ng WBA/WBO lightweight world title.

Kasabay nito, maging sina two-time world champion Juan Manuel “Juanma” Lopez at Rafael Marquez ay parang atat na ring makasagupa ang isa’t isa sa November 6 sa MGM Grand sa Las Vegas na inaabangan ng mga fans sa mundo.  Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply