MPD patrol car dispalinghado

ANO ang nangyayari sa Manila Police District?

Yun bang === ukol sa kanilang mga patrol car!

Nitong nakaraang Biyernes, dakong alas 8:30 ng gabi, may na-hit and run na babae malapit sa harapan ng National Press Club at mismong sa regular na checkpoint area ng MPD.

Inabot ng siyam-siyam bago naisakay sa isang taxi ang biktima.

Bakit kaniyo? May sasakyan ang MPD na isang multicab mismo sa tabi ng biktima. Pero katwiran ng mga pulis, hindi yun umaandar at pandispley lang.

Anak ng mga putakte, kaya naman pala hindi rin nila nakakilos para habulin sana ang kumaripas
nang takbo na sasakyan.

Pero ito ang higit nakaiinis. Hindi talaga napansin ng mga pulis ang pangyayari at saka lang sila natauhan nang maghiyawan ang mga tao sa paligid.

Nasaan ang mga pulis sa mga sandaling iyon? Eh oras ng kanilang checkpoint!

Nagtatago sila dahil umuulan? Anak ng *%@H&!

Ang maganda naman na nagawa nila ay tumawag sila ng ambulansiya. Dumating naman ang ambulansiya pero nakaalis na ang taxi patungong Philippine General Hospital.

Hindi natin alam kung humabol pa ang ambulansiya sa taxi na hindi gaanong naisara dahil sa pabalagbag na kahoy likurang bahagi nito na ginawang stretcher para sa biktima.

Maganda ring nagamit nila ang kanilang uniporme para humarang ng taxi na sasakyan ng biktima.
Kung hindi dahil sa kanilang panghaharang, walang taxi ang huminto para magamit sa aksidente.

Anak ng sampung putakte, bakit ginagawang pandispley lang ang sasakyan ng nagtse-checkpoint na mga pulis? Paano kung hindi aksidente at mas malalang krimen ang nasa paligid?

Di nagiging inutil sila kung may kaso nang katulad ng carnapping, kidnapping, robbery na panay habulan ng sasakyan ang naganap?

Mayor Fred Lim, magawan sana ng paraan ang ganitong nagaganap sa MPD.

Dahil sa pangyayari, naisip ko tuloy ang naganap na Luneta massacre. Di ba ang kapalpakan doon ay nagmula sa malalaking kakulangan: posas, hagdan, helmet, flashlight, tali, gas mask at kung ano-ano pa?

Naulit ang pangyayari nang may ma-hit and run mismo sa kanilang checkpoint area.

Naku namaaaaaann!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.
Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply