MPD patrol car lubog sa baha, pandispley lang

NAKAAAWA rin naman ang mga pulis natin.

Nasesermunan sila ng taumbayan sa kanilang mga kapalpakan. Paano sila hindi sesermunan kung sa oras ng pangangailangan ay palpak ang kanilang pagkilos?

Pero kung pag-aaralan ng husto ang kanilang mga kapalpakan, yung mga nasa itaas ang may sala. Meron din silang sariling kapalpakan ngunit kung talagang kalkalin mo, sisi sa kataas-taasan ang ending ng kanilang mga sad story.

Tingnan natin.

Ang Manila Police department ang ating sisilipin.

Tuwing umuulan ng malakas, karaniwang umiikot tayo sa kung saan-saan para umiwas sa trapik dahil sa baha at madalas na sa likod ng MPD headquarter tayo napararaan. Alam ba ninyong napakaraming patrol car na maliliit ang lumulubog doon sa lalim ng baha sa kalsada?

Siyempre pa, magkakadiperensiya ang mga yan. Kung nagkadiperensiya,  kahit may gasolina pa ang mga ito, hindi magagamit sa oras ng pangangailangan.

Wala bang balak ng mga awtoridad na itaas ang kalsadang sa tingin ko ay nasa 100 metro lang ang haba?

Ngayon, nakabilang ba sa mga patrol car ang dispalinghadong ginagamit sa checkpoint sa harapan ng National Press Club?

Ang sabi ng mga pulis, hindi umaandar ang sasakyang multicab na inilalagay sa lugar gabi-gabi.

At tila totoo nga dahil nang may ma-hit and run na babae sa mismong checkpoint area at tabi ng patrol car, hindi maitakbo ang biktima sa ospital dahil sira nga raw ang patrol car.

Pandispley lang daw.

Grrrrrrr!!! Kung ganito nang ganito ang nagaganap sa buhay ng mga pulis, talaga namang nakaaawa sila.

Nakaaawa at palpak dahil hindi sila makahahabol ng mga kriminal na may gamit na mga sasakyan.

Nakaaawa silang sinisisi ng mamamayan sa tagal ng panahon o kawalang nilang ng pagkilos at magresponde.

Eh hindi naman pupuwedeng panghabol ang radyo. Magkontakan man sa radyo ang mga pulis, sino ang tutugis sa mga kriminal?

Sino ang magtatakbo sa ospital ng mga nadidisgrasya?

Ang pagkakaalam ko, pangunahing responsibilidad ng mga nasa Department of Interior and Local Government ang mga pulis at suporta lang ang magagawa ng mga local government unit.

Ano ang nangyayari, kayo riyan sa DILG?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply