Nagbibisikleta binoga

NAMATAY ang isang mister matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ito ay nagbibisikleta, sa Navotas City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Ronaldo Francisco, 48, ng Phase 1, North Bay Boulevard South, ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat, dakong ika-7:00 ng gabi, sakay ng kanyang bisekleta ang biktima at pagsapit sa R-10, NBBS ay binaril ito ng salarin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang salarin habang dinala naman ang biktima sa TMC kung saan nagsasagawa na nang follow-up operation ang pulisya hinggil sa nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply