Nagdala ng baril arestado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyo matapos na isumbong ng mga kalugar nito na may dalang baril habang gumagala sa Navotas City.

Kinilala ni Supt. Bernard Tambaoan ang 17-anyos na suspek na itinago sa pangalang “William.”

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Tristan de Lara, dakong 1:55 ng madaling araw nang maaresto ang suspek.

Sa ulat ng pulisya, isang tawag sa telepono ang natanggap ng mga awtoridad hinggil sa pagdadala ng baril ng isang lalaki habang paikot-ikot sa naturang lugar.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad hanggang sa maabutan ng mga ito ang suspek na naglalakad.

Sinita at hinuli si William makaraang itong makapkapan ng baril.

Nang malaman naman ng mga awtoridad na menor de edad ang suspek ay dinala ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tamang disposisyon.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply