Nagpakilalang pulis timbog

DINAKIP ang isang lalaking nagpakilalang pulis at nanampal ng motoristang nakagitgitan sa trapiko makaraang habulin ng mga tauhan ng mobile patrol, kahapon ng madaling araw, sa Pasay City.

Kasong usurpation of authority, slight physical injury at paglabag sa PD-46 o paglalagay at paggamit ng wang-wang sa sasakyan ng walang kaukulang permiso ang kinakaharap ng suspek na si Daneille Lou Soler, 32, binata ng 81 United Nations st., Better Living Subdivision, Paranaque City, matapos madakip sa maikling habulan.

Batay sa reklamo ng biktimang si Angelo Canete, 25, ng 2710 Gen. Lucban St., Gagalangin, Tondo, Manila kay SPO2 Rodel Torres, kasama nito ang mga kaibigang sina Largil Pascual at Ma. Lourdes Delos Trinos sa minamanehong Honda Civic (WHT-623) nang wang-wangan siya ng suspek na nagmamaneho ng pulang Toyota Innova, na may plakang ZAT-257, matapos makagitgitan sa harapan ng World Trade Center sa Buendia avenue,  dakong alas-3:45 ng madaling araw.

Pinahinto umano siya ni Soler at kaagad sinampal matapos magpakilalang pulis bago umalis patungo sa gawi ng Baclaran. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply