Nagsimbang tserman itinumba

NAPATAY ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na sakay ng motorsiklo, kahapon ng umaga, sa Malabon City.

Kinilala ni Supt. Reynaldo Orante ang namatay habang ginagamot sa University of Santo Tomas (UST) Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo na si Maximo Bernardo, 56-anyos, incumbent barangay chairman ng Brgy. Concepcion at naninirahan sa 69 Paez st., Concepcion ng nasabing lungsod.

Mariing kinundina ni  Malabon City Congresswoman Jaye Lacson Noel ang pagpaslang  sa biktima at humingi ng tulong kay  Sr. Supt. Edgardo Ladao, director ng NPD, sa agarang pagreresolba sa nasabing pamamaslang.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply