Nagtanggol ng nobya binoga

DAHIL sa pagtatanggol ang binastos na ka-live-in partner ay nabaril sa dibdib at napatay ang isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang biktima. na hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Bayan  ng Malabon (PBM), ay nakilalang si Alvin Arejeza, 22, ng Chungkan st., Brgy. Tanza, ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito, isang manhunt operation ang ipinag-utos ni Supt. Bernard Tambaoan laban sa suspek na nakilala lang sa alyas na “Artem” at apat pa nitong kasamahan na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa impormasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-kwatro ng madaling araw sa kahabaan ng Kalatsusi st., Merville Subdivision, Brgy. Tanza.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama ang live-in partner nito nang masalubong ang limang suspek.

Binastos ng mga suspek ang  babae kaya ipinagtanggol naman ito ng biktima. R. Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply