Nagtanggol sa kapatid kinuyog

DAHIL sa binabastos na kapatid na babae ang naging sanhi nang pagkawasak ng mukha ng isang lalaki matapos kuyugin ng anim na lalaki sa tapat ng tahanan nito, sa Navotas City.

Ang biktima na kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan at nakaratay sa East Avenue Medical Center ay nakilalang si Allan Quinonez, 26, may asawa, at residente ng P. Gabriel st., Brgy Sipac Almacen, ng nasabing lungsod.

Dalawa sa anim na suspek ang agarang nadakip na kinabibilangan ng isang menor de edad na nakilalang sina Julius Bonzon Kalaw, 22, binata at  Edwin Jann Malicsi,  16, residente ng 45 Santiago st., ng nasabign barangay.

Inatasan ni Supt. Bernard Tambaoan ang kanyang mga tauhan sa agarang ikadarakip ng apat pa na nakalaya na sina Artemio Bulac, Dexter Bernardo at dalawang hindi pa batid ang mga pangalan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Edwin  Guzman, dakong alas 11:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Base sa salaysay ng saksing si Joan Jardinico Quinonez, 28, na ipinagtanggol lang siya ng kanyang kapatid matapos itong bastusin  ng mga suspek na nag iinuman sa tindahan.

Dito sinita ng biktima ang mga suspek at nagkaroon nang pagtatalo hanggang sa kinuyog ng mga ito.

Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad na nagresulta sa pagdarakip kina Bonson at Malicsi habang ang iba naman ay mabilis na nagsitakas habang ang walang malay na biktima  ay mabilis na dinala sa pagamutan. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply