Nagtatago sa batas nadakip

ISANG lalaki na mahigit na tatlong taong nagtatago sa batas ang naaresto ng mga awtoridad sa loob ng bahay nito, kamakalawa ng hapon, sa Anonas Road, Potrero, Malabon City.

Si Renato Baron, Jr., 41, may-asawa, ay dinakip ng mga tauhan ni  Insp. Gregorio Catacutan sa bisa ng  isang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Corazon Soliven ng Malabon RTC branch 170 .

Nabatid na si Baron ay  sinamapahan ng kasong fraustrated murder noong September 5,  2007 kung saan mahigit sa tatlong taong nagtago sa batas mula pa nang isampa ang nasabing kaso laban dito.

Kamakalawa ng hapon nang makita ang suspek sa bahay nito ay agad na ipinarating sa tanggapan ng warrant section  kaya pinuntahan ng pulisya pero nagtangka pang  tumakas subalit nadakip din. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply