Nakapatay sa nursing students nalambat na

NAARESTO na kahapon ang bus driver na nakasagasa at nakapatay sa dalawang nursing student sa Caloocan City.

Si Melvin Doria, 35, ng Ivory Crest, Dasmariñas, Cavite ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na  ipinalabas ni Judge Alma Crispina Collado-Lacorte ng Caloocan City Metropolitan Trial Court Branch 15.

Sa ulat, dakong alas-tres ng hapon nang arestuhin ang suspek sa Cavite ng Warrant Section ng Caloocan Police.

Sa ulat, noong nakaraang Hulyo 17 ay naglalakad ang mga biktimang sina Jayvee Castro at Jerry Medina sa kanto ng D. Aquino st., C-3 rd., Caloocan City nang masagasaan ng pinapasadang bus na minamaneho ng suspek.

Tumakas si Doria. Nadakip lamang siya matapos bumaba ang warrant of arrest laban sa kanya. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply