Namaril ng kapitbahay hinatulan ng kulong ng Manila RTC

PINATAWAN ng Manila Regional Trial Court (RTC) Judge ng 40 taon pagkakakulong ang isang lalaking bumaril nang malapitan sa kanyang kapitbahay may apat na taon na ang nakalilipas.

Nabatid kay Judge Armando Yanga ng Manila RTC Branch 173 na si Mario Cortez ay guilty beyond reasonable doubt sa pagbaril sa  kapitbahay na si Edwin de Mesa at hinatulan nang pagkabilanggo ng reclusion perpetua, o 40 taong sa New Bilibid Prison.

Inatasan din ni Yanga si Cortez na magbayad ng danyos ng halagang P185,000.

Ayon sa Manila RTC Branch 173 clerk ng court na si Atty. Rolando Cruz, ang kaso laban kay Cortez ay bunsod sa pagkaka-baril nito kay de Mesa nang malapitan sa inuupahang unit ng suspek sa Roxas Building 1222-A Ricafort st., Tondo, Maynila, noong March 18, 2006.

Nabatid na kasama ni de Mesa ang kanyang live-in partner na si Michelle Monte saka anak na si Charlesdwin at pabalik na sa kanilang unit nang madaanan nila si Cortez na naka-upo sa labas ng bahay sa 2nd floor.

Nauna rito, inireklamo ni Cortez si de Mesa ng robbery ilang araw bago maganap ang pamamaril, at nang mapadaan ang biktima sa harap ng suspek ay walang sabi-sabing binaril ito sa mukha.

Tinangka pang barilin ng suspek si Monte ngunit nakatakbo ito kasama ang anak na si Charlesdwin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply