Nanalong chairman ng Arkong Bato, pinakabatang kapitan

ITINUTURING na pinakabatang kapitan ng barangay sa buong Pilipinas ang nanalong chairman ng Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City na si Rovin Andrew feliciano na nakatakdang magsilbi sa  lugar sa edad na 19-taong gulang.

Hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng murang edad ni Feliciano nang ilampaso nito sa katatapos na eleksiyon ang kanyang katunggali kung saan ay nanalo ring lahat ang kanyang mga kasama na sina Willie Urrutia, Cesar Sumala, Totoy Urrutia, Ace dela Cruz, Ester Santos, Rose Leecon at Danny Cueto bilang mga kagawad.

Si Rovin ay anak ni Valenzuela City Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin Feliciano at Rowena Feliciano, nagtapos ito ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Malinta habang nag-aral naman ng sekondarya sa San Diego Parochial School at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Legal Management sa San Beda College.

Sa gulang na labindalawa ay naging pangulo si Rovin ng Block Rosary Unit ng Barangay Arkong Bato, Marshall at Spiritual Chairman ng Columbian Squire Circle 3899, sa edad na labing-apat at hanggang sa kasalukuyan ay pinagkatiwalaan ito na maging pangulo ng 24 na unit ng Parochial Union of Block Rosary Organization na sumasakop sa 13 barangay ng Parokya ni San Diego de Alcala.

Hinirang din ng obispo ng diyosesis ng Malolos na Diocesan Leadership Awardee noong 2006 at 2007 bilang natatanging lider kabataan sa buong lalawigan ng Bulacan at Valenzuela City .

Naging katekista o religion teacher din si Rovin ng Parokya ng San Diego de Alcala simula taong 2006 hanggang sa kasalukuyan at nahirang na Catechist of the Year noong taong 2007.

Bago tumakbong kapitan ng Brgy. Arkong Bato ay pinagkatiwalaan si Rovin ng kanyang mga kabarangay na maging chairman ng Sangguniang Kabataan noong 2007 election kung saan ay naging landslide ang panalo nito at naging chairman rin ng Committee on Ethics and Religious Affairs ng Samahang Kabataan Federation Valenzuela City Chapter.

Napiling kinatawan ng Valenzuela City Youth Leadership Summit ng Armed Forces of the Philippines na ginanap sa Fort Bonifacio, Taguig City at hinirang din bilang most outstanding leader sa buong National Capital Region (NCR).

Dumalo rin sa ginanap na 2008 Dangerous Drugs Board Conference ng mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) at tagaplano sa mga usapin kung paano masusugpo ang ipinagbabawal na droga.

Naging delegado si Rovin noong 2009 sa Young Progressive South-East Asians Conference na inatasang magplano at manguna sa pagbibigay ng solusyon sa mga suliranin ng kabataan sa buong Timog-Silangan Asya.

Sa naging “accomplishment” ni Tserman, sa  murang edad ay umaasa ang kanyang mga kabarangay na magiging maganda ang pagsisilbi nito sa kanilang lugar, kahit na  matatawag pang teenager.

TAIMTIM NA PAGGUNITA SA ARAW NG MGA PATAY

Hangad ni Caloocan City Mayor Enrico Echiverri na maging taimtim ang paggunita ng mga residente sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Patay bilang pag-alala sa kaluluwa ng mga yumaong kamag-anak.

Inalerto ang pulisya at Reformed Department of Public Safety and Traffic Management upang mapanatili ang kaayusan sa sementeryo. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply