Nanita ng kapitbahay binoga

NABARIL ang isang ama nang tangkain nitong komprontahin ang kapitbahay na namalo ng yantok sa kanyang anak sa Tondo, Maynila.

Ginagamot sa Mother and Child Hospital ang biktimang si Olimpio Panzuelo, 54, may-asawa, helper ng 225 Purok 1, Isla Puting Bato ng nasabing lungsod.

Tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina alyas Tatang at Ramon, pawang kapitbahay ng biktima, na tumakas matapos ang insidente dala ang  ginamit na baril.

Sa ulat ni Supt. Ferdinand Quirante, dakong 9:30 ng gabi nang naganap ang insidente.

Nauna rito, napansin ng biktima na tila masama ang pakiramdam ng anak. Nang tanungin ito ay ipinagtapat ng bata na pinalo siya ng yantok ni Tatang. Dahil dito, nagtungo ang biktima sa bahay ni Tatang upang komprontahin ito. Pagdating ni Panzuelo sa bahay ni Tatang ay inabutan niya si Ramon, na bigla umanong magbunot ito ng baril at pinaputok ito.

Agad tumakas sina Tatang at Ramon matapos ang pamamaril, habang ang biktima ay isinugod ng kanyang asawa sa ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply