Nanutok ng negosyante tinepok ng parak

DAHIL sa panunutok ng baril sa isang negosyante ay binawian ng buhay ang isang  lalaki  makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis, kamakalawa, sa Quezon City.

Patay na nang idating sa United Doctors Medical Center ang suspek na si Ariel Palmeria, 24 anyos, shoe repairman, ng Bayani st.,  Brgy. San Isidro, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni P02 Modestino Juanson, naganap ang insidente sa loob ng Galas Market, na matatagpuan sa Brgy. San Isidro.

Lumitaw sa pagsisiyat, biglang sumulpot ang suspek na lasing habang inihahanda nito ang pagkain sa kanyang stall kung saan naman ay nakaupo ang biktimang si  Augusto Cuya,  56, negosyante.

Kasunod nito, bumunot ng baril ang suspek sabay itinutok sa biktima at makalipas ang ilang saglit ay ibinaling naman nito ang galit sa iba pang naroroon.

Dahil dito, agad na ipinagbigay alam sa QCPD station 11 ang nangyayari kaya rumesponde ang mga awtoridad at  inabutan ang suspek na nakatayo.

Sa punton iyon, nilapitan nila ang suspek subalit sa halip na sumuko ay pinaputukan sila dahilan para magkaroon ng engkuwentro sa magkabilang panig na naging sanhi ng kamatayan ng huli.

Napag-alaman kay PO3 Juanson Matinding, selos ang ugat  nang panunutok ng suspek sa kadahilanang hindi nito nakita ang kanyang ka live-in ng mga oras na iyon kaya hinanap niya ito. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply