Nasunog ang condo, Tsinoy naghuramentado

DINAKIP ang isang negosyanteng Tsinoy matapos itong magpaputok at manutok ng baril sa ilang mga tauhan ng Manila Police District habang nasusunog ang kanyang condo  unit sa Tondo, Maynila kahapon.

Nakilala ang suspek na si Benjamin Yu, nagpakilalang NBI agent ,nakatira sa Unit 1908 Empire Plaza Bldg, sa kanto ng Masangkay at Bambang st, sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Supt.Ferdinand Quirante ng MPD- Station 2 (Jose Abad Santos) dakong alas 3:oo ng hapon ng maganap ang insidente sa loob ng condominium unit ng suspek kung saan inakala noong una na may hostage taking na nagaganap sa lugar  nang paputokan niya ng tatlong beses  ang mga kalapit kuwarto nito.

Sa inisyal na ulat,ilang residente ang nakapnsin na may lumabas na usok mula sa unit ni Yu at nang kanila itong saklolohan ay bigla na lamang siyang nanutok ng baril.

Maging ang mga tauhan ng MPD na nagresponde at miyembro ng pamatay sunog ay kanya ring pinaputukan kaya inaresto ito.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang pinagmulan ng sunog.  Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply