NCRPO all-out war sa iligal na pasugal

MARIING inatasan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Nicanor A. Bartolome ang mga tauhan nitong hulihin ang iba’t ibang illegal numbers game sa buong Metro Manila.

Nauna rito ay naglabas ng kautusan si Philippine National Police (PNP) chief Director General Raul Bacalzo sa kapulisan na itigil ang iligal na sugal sa buong bansa.

Nagbanta rin si Bacalzo na paiiralin ang one-strike policy, kung saan sisibakin agad ang pinunong pulis sa lugar kung saan ay nananatiling nag-o-operate ang mga iligal na pasugalan.

Iniutos ni Bartolome na hulihin ang isang nagpapakilang si PO3 Bebet Aguas na patuloy sa pangongolekta sa mga pasugalan sa buong Kamaynilaan at ginagamit pa ang pangalan ng hepe ng NCRPO.

Itinanggi ng pinuno ng NCRPO na kilala nito si Aguas na inuutusan daw siya ng mga ilang opisyal ng PNP sa NCRPO upang mangolekta sa ilang mga iligalista sa lingguhang payola, na umaabot sa pito hanggang P800,000.

Sinabi pa ni Bartolome na hindi niya kinukunsinte ang mga ganitong gawain at ipinag-utos na nito na ipaaresto maging miyembro ng PNP na sangkot sa iligal na gawain.

Posibleng magsagawa ng reshuffle sa buong hanay ng NCRPO hinggil sa mga opisyal na nagbibigay proteksiyon sa illegal numbers game gaya ng loteng, video karera, at iba pang iligal na gawain. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply