NCRPO Director tututukan ang barangay at SK election

MARIING tututukan ng bagong pinuno ng National Capital Region Police Office Director na si Chief Supt. Nicanor  Bartolome ang darating na barangay at SK Election isang linggo mula sa araw na ito hinggil sa napapabalitang magiging magulo sa darating na Oct. 25, sa susunod na Lunes, sa buong Metro Manila.

Ayon kay Bartolome, magpapakalat sila nang mahigit sa sampung libong pulis sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular na sa mga hotspots area sa lungsod ng Quezon, Makati, Taguig at Manila na napapabalitang posibleng maging magulo pagsapit sa mismong halalan.

Kaagad na nagpatawag ng command conference sa lahat ng district director na nagmula sa MPD, QCPD, NPD, SPD at EPD kasama ang mga  chief of police.

Ipinag-utos din ni Bacalzo kay Bartolome ang implementasyon ng liquior ban dalawang araw bago sumapit ang eleksiyon kung saan huhulihin ang mga establisimento na magtinda ng lahat ng inuming nakakalasing, na maging sa kalsada ay ipagbabawal na ang pag-inom ng alak. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply