NCRPO kampante sa eleksiyon

KAMPANTE ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magiging maayos at mapayapa ang idaraos na barangay eleksiyon sa buong Maynila.

Nilinaw ni NCRPO Director Chief Supt. Nicanor Bartolome, na walang deklaradong hot spot o areas of immediate concern sa Metro Manila, na ibinabatay sa antas nang pangangailangang pang-seguridad.

Batay sa pakikipag-ugnayan sa poll body, walang inirekomendang isailalim sa Comelec control o anumang mahigpit na alerto kaya kampante silang magiging maayos at mapayapa ang eleksyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bartolome na mananatiling nakahanda ang kanilang mga tauhan kung sakaling kakailanganin.

Personal  na binisita ni NCR Election Dir. Mike Dioneda ang kanilang mga tauhan para tiyakin ang kapasidad sa pagbabantay sa idaraos na halalang pambarangay.

Simula pa noong Sabado ng umaga, naka-full alert ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong  Lunes.

Ayon kay Bartolome, na kanselado ang leave ng mga pulis at dapat nasa puwesto ang mga ito sa lahat ng oras. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply